May isang tulay sa pagitan ng Langit at Lupa na kung tawagin ay Bahagharing Tulay.
Kapag namatay ang isang hayop na itinagi at minahal ng isang tao, ang itinanging ito ay tumutungo sa Bahagharing Tulay.
Mayroon doon mga damuhang patag at bunduk-bundukan para sa lahat ng ating mga natatanging kaibigan nang sila ay makipagtakbuhan at makipaglaro sa isa’t isa.
Marami ang pagkain, tubig at sikat ng araw, at ang ating mga kaibigan ay masigla at maginhawa.
Lahat ng mga hayop na nagkasakit o tumanda ay nababalik sa kalusugan at lakas; ang mga nasaktan o nalumpo ay ginagawang buo at masigla muli, kung paano natin sila na-aalala sa ating mga panaginip ng mga araw at panahong lumipas.
Ang mga hayop ay maligaya at masaya, maliban lamang sa isang maliit na bagay: bawa’t isa sa kanila ay nangungulila para sa isang taong natatangi sa kanila – ang taong nagmahal sa kanila sa lupa- na kanilang iniwan.
Lahat sila ay nakikipagtakbuhan at nakikipaglaro sa isa’t isa, Nguni’t isang araw ang isa sa kanila ay biglang hihinto at titingin nang malayo. Ang kanyang maliliwanag na mata ay nakatutok; Hindi siya mapakali sa kasabikan. At bigla siyang tatakbo mula sa pangkat, lilipad sa ibabaw ng luntiang damuhan, pabilis nang pabilis ang kanyang pagtakbo.
Ikaw ay nakita, at kung ikaw at ang iyong natatanging kaibigan ay tuluyang magtagpo, kayo’y magkakapitan sa isang malugod na muling-pagsasama, na hindi na muling paghihiwalayin. Maliligayang halik sa iyong mukha, muli mong mahihimas ang iyong mahal, at muli mong masisilayan ang mga mapagtiwalang mata ng iyong alagang itinangi, na matagal nang nawala sa iyong buhay ngunit laging nasa iyong puso.
At sabay ninyong tatawirin ang Bahagharing Tulay…